^

Bansa

DFA sumaklolo sa 18 Pinoy na dinakip sa Saudi

-

MANILA, Philippines - Kumilos kahapon ang Department of Foreign Affairs upang saklolohan ang 18 Pilipinong opisyal at miyembro ng Migrante International kabilang ang walong overseas Filipino workers na inaresto ng pulisya sa isang apartment sa Riyadh, Saudi Arabia noong Biyernes.

Inatasan ng DFA ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh na tulungan ang mga nakapiit na opisyales ng Migrante at walong OFW na biktima ng pag­mamaltrato at pang-aabu­so matapos na tumakas sa kani-kanilang mga amo.

Mula sa naturang gru­po, pansamantalang pi­nakawalan ng Saudi Police ang pinuno ng Ka­patiran sa Gitnang Sila­ngan na si Ricardo Joso, tumatayo ring coordinator ng Migrante sa Riyadh at dalawang iba pa.

Nasa kustodya pa rin ng Saudi Police ang 15 iba pang Pilipino habang isinasagawa ng eba­l­wasyon sa kanilang “iqama”, ang opisyal na identification ng mga dayuhan para sa legal na pananatili sa Saudi. (Ellen Fernando)


BIYERNES

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

GITNANG SILA

MIGRANTE INTERNATIONAL

RICARDO JOSO

RIYADH

SAUDI ARABIA

SAUDI POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with