^

Bansa

BI chief pinuri ng Tsinoys sa pagpapaluwag sa entry rules para sa Sino tourists

-

MANILA, Philippines - Natuwa ang mga mi­yembro ng Filipino-Chinese community sa hak­bang ng Bureau of Immigration (BI) na paluwagin pa ang polisiya nito sa pagpasok ng turista mula Mainland China.

Sa sulat kay Immigration Commissioner Nonoy Libanan, pinuri ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) ang BI chief sa pagbibigay ng visa-free entry privileges sa mga turistang Chinese na madalas bumiyahe sa ibang bansa.

Tinutukoy ng federation ang memorandum order na pinirmahan ni Libanan dalawang linggo na ang nakalipas na pu­mapayag sa mga nasa­bing Chinese nationals na pumasok at manatili sa bansa ng pitong araw kahit walang visa.

Pasok sa bagong polisiya ang Chinese nationals na may hawak na balidong visas mula sa United States, Japan, Australia, Canada, at European Union (Schen­gen).

Napaulat na inilabas ni Libanan ang order sa kautusan na rin ni Pa­ngulong Arroyo upang maitaguyod at mapalakas ang turismo sa bansa.

Dahil sa bagong po­lisiya, kumbinsido si Li­banan na maraming ne­gosyante at turistang Tsino pa ang bibisita at mamumuhunan sa Pilipi­nas, na makapagbibigay ng bagong trabaho sa mga Pilipino. (Butch Quejada)

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

DAHIL

EUROPEAN UNION

FEDERATION OF FILIPINO-CHINESE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY INC

IMMIGRATION COMMISSIONER NONOY LIBANAN

LIBANAN

MAINLAND CHINA

SHY

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with