Kampanya vs TB pinaigting
MANILA, Philippines - Mahigit 500 residente ng Caloocan City ang sumuporta sa kauna-unahang Citywide Convention of Tuberculosis Task Force para gunitain ang Lung Month.
Sinabi ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, may 24 TB task forces ang dumalo sa pagtitipon para mapaigting ang impormasyon at kampanya hinggil sa sakit na TB at programa nito para ito ay malabanan. Binuo naman ito ng Caloocan Health Department, Department of Health at World Vision para mapakinabangan ng mga residente ng lungsod kung saan ito ay may temang “Ingatan ang mga baga para mabuhay ng mas mahaba”.
Dito ay pinarangalan ni City Administrator Russel Ramirez ang mga outstanding Directly Observed Treatment Strategy (DOTS) facility, treatment partners at mga gumaling na biktima ng TB dahil sa sa libreng gamot na ipinamimigay ng city government.
Sa naturang pagtitipon, iminulat ang mga residente sa kahalagahan ng baga ng tao bilang supplier ng hangin sa katawan, nag-aalis ng dumi at nagbibigay proteksiyon laban sa mga virus, bacteria at iba pang nakahahawang sakit.
- Latest
- Trending