^

Bansa

Pagbili ng pres'l jet inatras na ni GMA

-

MANILA, Philippines - Kinansela na kaha­ pon ni Pangulong Arroyo ang planong pagbili ng bagong executive jet.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, mismong si Pangulong Arroyo ang nag-utos na huwag nang ituloy ang pagbili ng bagong presidential jet dahil baka maging sentro pa muli ito ng batikos matapos ang napaulat na “dinner” sa New York at Washington.

Naunang ipinaliwa­nag ng Palasyo na kaila­ngang bumili ng bagong eroplano na gagamitin ng Pangulo ng Pilipinas.

Batay sa bid invitation ng Malacañang, P1.2 bilyon ang inilaan para sa pambili ng 2-engine pre­sidential jet na gagamitin sa mga provincial at foreign trips ng Pangulo.

Sa inilabas na statement ng Palasyo, may 2 fixed-wing (F-27, F-28) aircraft ang Presidential Airlift Wing (PAW), pero luma na umano ang mga ito dahil 29 hang­gang 50 taon na itong ginagamit at sumasaila­lim na ito sa check-up at maintenance. (Rudy Andal)

AYON

BATAY

KINANSELA

NEW YORK

PALASYO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL AIRLIFT WING

PRESS SECRETARY CERGE REMONDE

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with