TV reporter, 3 pa sugatan, Chopper niratrat sa Basilan

MANILA, Philippines - Apat katao, kabilang ang isang television reporter ang sugatan mata­pos na paulanan ng bala ha­­­bang sakay ng isang chopper sa lalawigan ng Ba­­silan kahapon ng uma­ga.

Kinilala ang mga bik­tima na sina George Ban­dola, reporter ng NBN Channel 4; cameraman Egay Luciano at mga staff ng Office of the Secretary na sina Louie Iglesias, photographer at isa pang ka­sama nito.

Nangyari ang insidente sa may boundary ng Tipo-tipo at Lamitan ganap na alas-11 ng umaga.

Ayon kay Bandola, sakay sila ng isang military chopper upang kumuha ng video footage ng flag raising sa kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILG) nang paulanan sila ng bala ng kalibre 50 mula sa ibaba.

Sa pamamaril ay nasu­gatan si Bandola mula sa shrapnel ng chopper na tinamaan ng bala, habang tinamaan naman sa kali­wang braso ang kanyang cameraman. Si Iglesias naman  ay sa kanang binti.

Ayon pa kay Bandola, agad naman silang naka­pag-emergency landing sa ligtas na lugar kung saan sila sinaklolohan ng mga tropa ng militar.

Sa kasalukuyan nasa Naval Force hospital sa Zamboanga City ang nasa­bing mga biktima para ma­gamot ang tinamo nilang mga sugat. (Ricky Tulipat)

Show comments