PMA Class 78 ginagamit ng Palasyo sa 'takeover plot'?
MANILA, Philippines - Humingi ng saklolo ang kontrobersiyal na Philippine Military Class 78 sa isang opisyal ng Palasyo para madaliin ang umano’y plano na palitan ang kasalukuyang military chief na si Gen. Victor Ibrado bago magtapos ang taon.
Tinawag ng PMA Masikap Class 77 na “desperate move” ang palihim umanong pakikipagpulong ng mga miyembro ng Class 78 sa naturang opisyal para suportahan sila sa plano nilang pagsungkit sa top posts ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Nauna nang iniulat na pansamantalang itinigil ng Class 78 ang tinaguriang “August Moon” dahil sa biglaang pagkamatay ni dating President Corazon Aquino.
Ang August Moon na sinasabi ng military na produkto lamang ng malalim na imahinasyon ay sinasabing parte ng pagpupursige para mapananatili sa posisyon si Pangulong Arroyo lampas sa ‘constitutionally mandated’ na termino nito sa 2010.
Una nang sinabi ni dating Defense secretary Avelino J. Cruz, Jr. na ang Class 78 ay maghahari sa police at military bago matapos ang 2010 polls. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending