^

Bansa

Inaaping kasambahay dumarami

-

MANILA, Philippines - Nangangamba ngayon ang Senado sa patuloy  na pagtaas ng bilang ng mga inaaping kasamba-hay sa bansa, partikular na ang ginawang pagmamal­trato sa isang 18-anyos na dalaga ng among negos­yante nito.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, kinakailangan na magka­roon ng batas na masa­sandalan ang mga kasam­bahay na inaapi ng kani-lang mga amo. Dapat din aniyang alamin kung ano ang dahilan bakit nakaka­panakit ang mga ito gayung marapat lang na ituring      na bahagi ng pamilya ang mga kasambabay.

Magugunita na nana­wa­gan na rin si Senate    Pro-Tempore Jinggoy Es­tra­da sa Philippine Natio- nal Police na bantayan ang kasong isasampa laban     sa pamilya ni Mariano Tane­nglian dahil sa sumbong    ng kasambahay ng mga    ito na si Mary Jane Sollano.

Si Estrada ang pangu­nahing author ng Kasam­bahay Bill na naglalayong bigyan ng sapat na protek­siyon ang mga tinaguri-   ang ‘bayani ng tahanan, kaya naman nanawagan   ito sa Kongreso na agad apruba­han ang naturang batas.

Una ng nasagip si So­l­lano ng Commission on Human Rights, Department of Social Welfare and Development at PNP mula sa tahanan ng amo nito sa Quezon City kung saan inireklamo ang asawa ni Tanenglian na si Aleta at dalawang anak dahil sa umano’y matinding pag-ma­maltrato ng mga ito. Si Sollano ay 13-anyos lang ng maging kasambahay  ng nasabing pamilya.

vuukle comment

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

HUMAN RIGHTS

MARIANO TANE

MARY JANE SOLLANO

PHILIPPINE NATIO

PRO-TEMPORE JINGGOY ES

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with