Dami pang magbibitiw

MANILA, Philippines - Mas marami pang mi­yembro ng Gabinete ang inaasahan ng Malacañang na magbibitiw at susunod kay National Economic Development Authority Chief Ralph Recto.

Sinabi ni Presidential Political Adviser Gabriel Claudio na maraming Ca­binet secretary na nagha­hangad ng elective position at tatakbo sa 2010 election tulad nina Education Sec. Jesli Lapus, Energy Sec. Angelo Reyes, Presidential Peace Adviser Avelino Razon Jr., Agriculture Sec. Arthur Yap, Defense Sec. Gilbert Teo­doro, Tourism Sec. Ace Du­rano, DILG Sec. Ro­naldo Puno, Health Sec. Francisco Duque III, MMDA chairman Bayani Fernando at Secretary to the Cabinet Silvestre Bello.

Magugunita na nag­bitiw si Recto dahil umano sa “delicadeza” at pagha­handa sa kanyang pag­takbo bilang senador sa 2010 election kung saan noong nakaraang buwan pa nito isinumite kay Pangulong Gloria Arroyo ang kanyang resignation letter. Nilinaw din ni Recto na walang kinalaman sa kanyang pagbibitiw ang naging “word war” nila ni Sec. Reyes.

Kasabay nito, umapela si Executive Secretary Eduardo Ermita na di da­pat bigyan ng malisya ang pagbibitiw ni Recto at ka­ilangan lang itong igalang.

Samantala, hinamon ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang iba pang Cabinet members na tu­mulad kay Recto para matiyak na hindi maga­gamit ang pera ng gob­yerno sa kanilang kandi­datura.

Sinuportahan din ni Escudero si Senador Mi­riam Defensor Santiago na atasan ang mga Cabinet members na magpaliwa­nag hinggil sa infomercial ng mga ito sa telebisyon tulad nina Vice President Noli de Castro na Chairman din ng Pag-Ibig fund, Sec. Teodoro, Sec. Puno, Sec. Du­que, DPWH Sec. Her­mo­­genes Ebdane, Sec. Lapus, PAGCOR Chairman Efraim Genuino, TESDA chief Augusto Syjuco, at Chairman Fer­nando.

Naniniwala naman si Senate President Juan Ponce Enrile na hindi na kinakailangang mag-resign sa posisyon ang mga miyembro ng Gabinete hangga’t hindi sila nagha­hain ng kanilang certificate of candidacy.

Show comments