^

Bansa

Negosyante na 5-taon nagmaltrato ng kasambahay kakasuhan

-

MANILA, Philippines - Itutuloy ng 18-anyos na kasambahay na sampa­han ng kaukulang kaso ang among negosyante dahil sa umano’y pagma­maltrato sa kanya ng limang taon.

Una ng sinagip ng Commission on Human Rights (CHR), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Quezon City Police ang biktimang si Mary Jane Sollano dahil matagal na itong minamaltrato at iki­nukulong ng kanyang among si Mariano Taneng­lian.

Isusulong pa rin ng pamilya Sollano ang kaso sa kabila ng pagpapapirma ng waiver ni Tanenglian para mapalaya ito. Inakala ng mga magulang ng bik­tima na patay na ito at natunton lang ng makata­kas ang kasamahang maid at naireport ang pagma­malupit ng suspek.

Bunsod nito’y sumisi­gaw ng katarungan ang mga kaanak ni Sollano dahil sa trauma na dinanas ng biktima mula sa pang-aabusong pisikal at emos­yonal ng dalawang anak at asawa ni Tanenglian na si Aleta.

Sa reklamo ng biktima, bukod sa kayod kalabaw siya ay hindi pa pinakakain sa oras at di pinapayagang lumabas ng bahay o tu­mawag sa kanyang mga kaaanak sa telepono.

Magugunita na sinabi ni Atty. Melanie Trinidad, na hiningan ng tulong ng pa­milya ng dalaga, na posib­leng maharap sa kasong child abuse at maltreatment ang pamilya Taneng­lian dahil 13-anyos pa lang ang biktima ng maging kasambahay ito. (Ricky Tulipat)


DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

HUMAN RIGHTS

MARIANO TANENG

MARY JANE SOLLANO

MELANIE TRINIDAD

QUEZON CITY POLICE

RICKY TULIPAT

SHY

SOLLANO

TANENGLIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with