MANILA, Philippines - Para kay Caritas Manila Executive Director Father Anton Pascual na siya ring pinuno ng Radio Veritas, isang propeta ng kasalukuyang pana hon si dating Pangulong Corazon Aquino dahil naging gabay ito ng mamamayang Pilipino upang makamit muli ang kalayaan at demokrasya sa bansa.
Sinabi ni Pascual na, sa panahon ng krisis, pagsubok at jubilation, ang Panginoon ay palaging nagpapadala ng isang “propeta.”
Ipinaliwanag ni Pascual na ang naturang “propeta” aniya ay siyang gagabay sa mga mamamayan upang maging tapat sa Panginoon, mamuno at maging katalista ng pagbabago sa bayan.
Sinabi pa ni Pascual na tiyak na sa pagkamatay ni Aquino ay isang panibagong propeta ang ipadadala ng Panginoon na siyang tutulong sa mga Pilipino sa kasalukuyang problema na kinakaharap nila ngayon. (Mer Layson)