MANILA, Philippines - Isinampa kahapon ng grupong Social Justice Society ang petisyon na humihiling sa Manila Regional Trial Court na pigilin ang mga kumpanyang Chevron, Pilipinas Shell at Petron sa pagtataas muli ng presyo ng langis.
Iginiit ng SJS, na kung sinasabi ng Shell sa isang pagdinig sa energy committee ng Kongreso na may sapat silang suplay para sa loob ng isang buwan, wa lang dahilan para magtaas sila ng presyo.
Sinabi ni Vladimir Cabigao ng SJS na sa kabila ng nasabing pahayag ay halos linggu-linggo ay nagtataas ng presyo ng kanilang mga produkto ang nasabing oil companies.
Nabulaga rin ang naturang mga kumpanya sa petisyon ng SJS.
Tumanggi si Petron Corporation spokesman Raffy Ledesma na magkomento sa petisyong ng SJS ngunit sinabing kanilang pag-aaralan pa ang nila laman ng naturang mga dokumentong isinumite sa korte.
Ito rin ang naging re aksyon ni Toby Nebrida, tagapagsalita ng Chevron, kung saan iginiit nito na kailangan muna nilang makita ang petisyon bago magsalita at magsagawa ng kaukulang aksyon.
Noong nakaraang linggo, muling umakyat ang presyo ng regular at E10 na gasolina ng P1 kada litro at P.50 sentimos kada litro ng kerosene. (Ludy Bermudo at Danilo Garcia)