^

Bansa

Oil price hike dinala sa korte

-

MANILA, Philippines - Isinampa kahapon ng grupong Social Justice Society ang petisyon na humihiling sa Manila Regional Trial Court na pi­gilin ang mga kumpan­yang Chevron, Pilipinas Shell at Petron sa pag­tataas muli ng presyo ng langis.

Iginiit ng SJS, na kung sinasabi ng Shell sa isang pagdinig sa energy committee ng Kongreso na may sapat silang suplay para sa loob ng isang buwan, wa­ lang dahilan para magtaas sila ng presyo.

Sinabi ni Vladimir Ca­bigao ng SJS na sa kabila ng nasabing pahayag ay halos linggu-linggo ay nag­tataas ng presyo ng kani­lang mga produkto ang nasabing oil companies.

Nabulaga rin ang na­turang mga kumpanya sa petisyon ng SJS.

Tumanggi si Petron Corporation spokesman Raffy Ledesma na mag­ko­mento sa petisyong ng SJS ngunit sinabing ka­nilang pag-aaralan pa ang nila­ laman ng natu­rang mga dokumentong isinumite sa korte.

Ito rin ang naging re­ ak­syon ni Toby Nebri­da, taga­pagsalita ng Chevron, kung saan igi­niit nito na kaila­ngan muna ni­lang makita ang petisyon bago mag­salita at mag­sagawa ng kau­kulang aksyon.

Noong nakaraang ling­go, muling umakyat ang presyo ng regular at E10 na gasolina ng P1 kada litro at P.50 sen­timos kada litro ng kerosene. (Ludy Bermudo at Danilo Garcia)


DANILO GARCIA

LUDY BERMUDO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

PETRON CORPORATION

PILIPINAS SHELL

RAFFY LEDESMA

SHY

SOCIAL JUSTICE SOCIETY

TOBY NEBRI

VLADIMIR CA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with