^

Bansa

Bangkay ng 2 OFW sa plane crash darating

-

MANILA, Philippines - Inaasahang darating sa bansa ngayong Martes ang bangkay nina Manolito C. Hornilla ng Taysan, Batangas at Leopoldo Jimenez Jr. ng Lubao, Pampanga na kabi­lang sa 10 overseas Filipino worker na nasawi sa pag­bagsak ng isang helicopter sa Afghanistan noong Hulyo 10. Eroplano ng Kuwait Air Flight QR 135 ang mag­hahatid sa labi ng dalawa na lalapag bandang alas-3:00 ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport. 

Ang walo pang OFW na inaantabayanang matukoy mula sa mga narekober na mga labi ay sina Celso Caralde ng Gingoog City, Misamis Oriental; Ely Cariño ng Cabusao, Camarines Sur; Ernesto De Vega ng Naic, Cavite; Mark Joseph Mariano ng Floridablanca, Pam­panga; Marvin P. Najera ng San Fernando, Pampanga; Rene Taboclaon ng Cagayan de Oro City; Recardo E. Vallejos ng Bislig, Surigao del Sur at Noli M. Visda, tubong Lubao, Pampanga. (Butch Quejada at Ellen Fernando)


BUTCH QUEJADA

CAMARINES SUR

CELSO CARALDE

DE VEGA

ELLEN FERNANDO

GINGOOG CITY

KUWAIT AIR FLIGHT

LEOPOLDO JIMENEZ JR.

LUBAO

MANOLITO C

PAMPANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with