'First Couple transparent lang sa SALN' - Remonde
Guagua, Pampanga , Philippines — Iginiit kahapon ng Malacañang na walang irregular sa iniulat na Statement of Assets and Liabilities and Networth nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo.
Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, ipinakita lamang ni Pangulong Arroyo at FG Arroyo ang pagiging transparent sa paghahain ng katotohanan sa kanilang SALN kung saan ay nagkaroon ng pagtaas sa kanilang assets na mula naman sa puhunan sa real estate.
Magugunitang iniulat ng Philippine Center for Investigative Journalism na palaki ng palaki taun-taon ang nakasaad sa SALN ni Pangulong Arroyo at FG Arroyo. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending