^

Bansa

Pulis na honor guard ni Cory dinagdagan ng biyaya

-

MANILA, Philippines - Bukod sa pagkaka­taas sa tungkulin, tu­manggap din ng dagdag pang biyaya mula sa Public Safety Savings and Loan Association si Police Officer 2 Danilo Maalab na kabilang sa apat na honor guard na siyam na oras na nagbantay sa labi ni dating Pangulong Co­ra­zon Aquino habang ini­hahatid ito sa sementeryo noong Agos­to 5.

Ito ang nabatid kaha­pon kay Philippine National Police Chief Director Gene­ral Jesus Ver­zosa na nag­sabi pa na binigyan ng PSSLAI si Maalab ng bagong .45 kalibreng pistol at P10,000 cash.

Ang PSSLAI ay isang non-stock, non-profit savings at loan association para sa PNP na nagbi­bigay ng karagdagang pondo sa mga pulis. Bu­kod dito, tumanggap rin ng health care benefits si Maalab.

Sinabi ni Verzosa na ibinigay ang parangal kay Maalab sa isinagawang flag raising ceremony sa Camp Crame nitong Lu­nes ng umaga.

Samantala, sa Camp Aguinaldo, binigyan na­man ng merit medal at natata­ nging pagkilala ang tatlo sa honor guards sa presidential cortege ni Aquino.

Ayon kay Armed For­ces of the Philippines Vice Chief of Staff Lt. Gen. Rodrigo Maclang, kabilang sa pinagka­looban ng naturang pa­rangal sina Private First Class Antonio Cadiente, Airman 2nd Class Gener Laguindam at Navy Petty Officer 3 Edgardo Rodri­guez.

Binigyan din ng merit medals sina PFC Rico Seno, Seaman Navy First Class Arturo Roa­ dilla Jr .at Airman First Class Sherwin del Ro­sario na siya namang nag-escort sa cortege ni Cory mula La Salle Greenhills, Man­daluyong hanggang Manila Cathedral. (Joy Cantos)


AIRMAN FIRST CLASS SHERWIN

AQUINO

ARMED FOR

CAMP AGUINALDO

CAMP CRAME

CLASS GENER LAGUINDAM

DANILO MAALAB

EDGARDO RODRI

JESUS VER

MAALAB

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with