^

Bansa

Resibo ng P1-milyon dinner hanap

- Nina Malou Escudero at Butch Quejada -

MANILA, Philippines - Nasaan ang resibo ng pinagbayaran ng grupo ni Pangulong Gloria Macapa­gal-Arroyo nang maghapu­nan sila sa isang mama­haling restawran sa New York bago sila umalis ng Amerika pabalik ng Pilipi­nas noong nakaraang ling­go?

Ito ang tanong kaha­pon nina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. at Senator Francis Es­cudero kaugnay ng kontro­bersyal na hapunan ng grupo ng Pangulo sa Le Cirque restaurant sa New York na umabot sa halos P1 milyon ang binayarang chit para sa kinain nilang mga pagkain at ininom.

Sinabi ni Escudero na, kung nais talagang maging transparent ng Malaca­ñang, walang masama kung ilalabas nito ang resibo at patunayan na hindi pera ng taumbayan ang ginastos sa marang­yang hapunan.

Nauna rito inaako ni Leyte Rep. Martin Romual­dez na siya ang nagbayad ng nasabing bill at hindi ang Malacañang.

Sinabi naman ni Pi­men­tel na bagaman wala namang batas na nagba­bawal sa isang presidente na kumain sa mamahaling restaurant at magbayad ng $20,000 para rito, hindi aniya ito magandang balita dahil marami ang nagu­gutom na tao sa Pilipinas.

Ayon naman kay Es­cudero, hindi rin tama ang pagpapakita ng karang­yaan sa gitna ng nara­ranasang hirap ng mara­ming Pilipino.

Dapat sana aniya ay sa isang Filipino restaurant na lamang kumain ang entourage ng Pangulo.

Sinang-ayunan ni Anak­pawis partylist Rep. Joel Maglunsod ang pa­hayag ni Escudero sa pagsasabing, sa kabila ng katotohanan na may apat na milyong Pilipino ang nakakaranas ng tag­gutom, nagagawa pa ng matataas na opisyal ng pamahalaan na kumain ng caviar at uminom ng mama­haling champagne sa ma­ma­haling restawran sa New York.

Sinabi pa ni Maglunsod na hindi lang ang insidente sa New York ang unang pagkakataon na naglustay ng pera ng bayan ang Pa­ngulo at kanyang mga kaalyado tuwing bibiyahe sa ibayong-dagat.   

Idiniin ni Press Secretary Cerge Remonde na personal na pera ni Rep. Romualdez ang ipinam­bayad sa restaurant.

vuukle comment

JOEL MAGLUNSOD

LE CIRQUE

LEYTE REP

MALACA

MARTIN ROMUAL

NEW YORK

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPA

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with