WARM inilunsad ni Razon
MANILA, Philippines - Pinangunahan kaha pon ni Presidential Peace Adviser Sonny Razon, Jr. ang paglulunsad ng We are the Reason Movement (WARM), isang bagong citizen movement na ang adhikain ay magkaroon ng isang makabuluhang alternatibo at pagbabago sa Maynila.
Idineklara ni Razon na siya ay magiging bahagi ng isinusulong na “advocacy” sa may 6,000 miyembro ng WARM na inilunsad kahapon sa Rizal Memorial Stadium sa Malate, Maynila.
Kabilang sa miyembro ang urban poor, ordinaryong manggagawa, kabataan, estudyante, barangay leader, community leader, organizer at mga negosyante na nagkaisa para sa pagbabago ng pamumuhay ng mga residente ng Maynila.Sinabi ni Razon na ang mga mamamayan ang humahawak sa kanilang buhay at kinabukasan kaya dapat na makilahok ang mga ito sa pagbabago. (Doris Franche)
- Latest
- Trending