^

Bansa

Probe kay Abaya tuloy

-

MANILA, Philippines - Sinabi kamakailan ng Ombudsman na sapat ang ebidensya para ituloy ang imbestigasyon sa pangulo ng Bases Conversion Development Authority na si Narciso Abaya at iba pang sangkot sa kontrobersyal na P30 bilyong Subic-Clark Expressway project.

Kaugnay nito, inatasan ni Aleu Amante ng Ombudsman si Abaya at ang ibang nasasakdal na sagutin ang rek­la­mo laban sa kanila o magsumite ng counter-affidavit.

Kabilang pa sa mga kinasuhan sina Arnel Paciano, abogado ng BCDA; Eduardo Lena, program manager; at mga opisyal ng Japanese contractor na Hazama-Taisei-Nippon Steel Joint Venture na sina Tadahiko Kajima, Makota Yoshida, Yoichi Inoue and Tsunemi Nagata.

Naunang inireklamo ng pangulo ng Construction Management and Consultancy Asia Inc. na si Armando de Rossi na nakipagsabwatan ang HTNJIV sa mga opisyal ng BCDA sa paglabag sa anti-graft law at nabigo ang mga ito na magbayad sa kanyang kumpanya ng P59.280 milyon bilang professional at consultancy fee. (Doris Franche)

ALEU AMANTE

ARNEL PACIANO

BASES CONVERSION DEVELOPMENT AUTHORITY

CONSTRUCTION MANAGEMENT AND CONSULTANCY ASIA INC

DORIS FRANCHE

EDUARDO LENA

HAZAMA-TAISEI-NIPPON STEEL JOINT VENTURE

MAKOTA YOSHIDA

NARCISO ABAYA

SUBIC-CLARK EXPRESSWAY

TADAHIKO KAJIMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with