^

Bansa

9 aktibistang Belgians ban sa Pinas

-

MANILA, Philippines - Pinagbawalan ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok sa bansa ang siyam na Belgian nationals sa pagsali sa isang kilos-protesta laban sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Arroyo.

Agad ding iniutos ni Immigration Commissio­ner Marcelino Libanan na ilagay sa BI blacklist ang mga Belgians na sina Johan De­ myttenaere, Ma­rio Alessan­der Bauwens, Stefanie Devloo, Nicky Broeckho­ven, Marlies Gel­dof, Jelle Eeck­hout, Greet Vantieghem, Mattia de Pauw, at Chiara Donadoni.

Nilinaw ni Libanan na hindi dapat silang maki­saw­saw sa internal affairs par­tikular sa political activity ng bansa, bilang temporary visitors kaya hindi na sila maari pang payagang mu­ling makabalik dito.

May 5 araw na lamang na pinayagang makapa­natili pa sa bansa ang tatlong dayuhan ha­bang ang anim ay nakaalis na.

Sa ulat, ang mga nasa­bing dayuhan ay kabilang sa anti-government rally na isinagawa noong Hulyo 22, 2009 na nagmartsa mula sa Dasmarinas, Imus at Ba­coor, Cavite.

Bigo ang kapulisan na sila ay arestuhin sa martsa nang humarang ang mga Pilipinong aktibista. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

CHIARA DONADONI

GREET VANTIEGHEM

IMMIGRATION COMMISSIO

JELLE EECK

JOHAN DE

LUDY BERMUDO

MARCELINO LIBANAN

MARLIES GEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with