MANILA, Philippines - Hindi umano totoong nag-resign si Defense Secretary Gilbert Teodoro sa Nationalist People’s Coalition na itinayo ng kanyang sariling tiyuhin na si Eduardo ‘Danding’ Cojuangco.
Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source mula sa loob ng Lakas-Kampi-CMD, pansamantalang naka “on-leave” lamang daw ang kalihim sa NPC matapos itong kunin ni Pangulong Arroyo bilang miyembro ng kanyang ga binete.
Si Teodoro ay dating presidente ng NPC, isa sa mga miyembro ng tinatawag na rainbow coalition ng administrasyon.
Itinuturing pa rin umano siyang “outsider” ng ilang miyembro ng Lakas-Kampi-CMD dahil sa hindi malinaw na direksiyon ng kanyang katapatan sa partido.
Matatandaang umani ng batikos mula mismo sa mga miyembro ng Lakas ang naging pagbabanta ng kampo ni Gibo na aalis siya sa partido kapag hindi umano siya ang pinili ni Pangulong Arroyo para maging standard bearer ng administration party. (Angie dela Cruz)