^

Bansa

Teodoro 'di pa nagre-resign sa NPC?

-

MANILA, Philippines - Hindi umano totoong nag-resign si Defense Secretary Gilbert Teodoro sa Nationalist People’s Coalition na itinayo ng kanyang sariling tiyuhin na si Eduardo ‘Danding’ Cojuangco.

Ayon sa isang mapag­kakatiwalaang source mula sa loob ng Lakas-Kampi-CMD, pansaman­talang naka “on-leave” lamang daw ang kalihim sa NPC matapos itong kunin ni Pangulong Arroyo bilang miyembro ng kanyang ga­ binete.

Si Teodoro ay dating pre­­sidente ng NPC, isa sa mga miyembro ng tinata­wag na rainbow coalition ng administrasyon.

Itinuturing pa rin uma­no siyang “outsider” ng ilang miyembro ng Lakas-Kampi-CMD dahil sa hindi malinaw na direksiyon ng kanyang katapatan sa partido.

Matatandaang umani ng batikos mula mismo sa mga miyembro ng Lakas ang naging pag­babanta ng kampo ni Gibo na aalis siya sa partido kapag hindi uma­no siya ang pinili ni Pangu­long Arroyo para maging standard bearer ng administration party. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

COJUANGCO

CRUZ

DEFENSE SECRETARY GILBERT TEODORO

EDUARDO

LAKAS-KAMPI

NATIONALIST PEOPLE

PANGULONG ARROYO

SHY

SI TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with