^

Bansa

Takeover plot kinapos dahil sa Cory magic

-

MANILA, Philippines - Pansamantalang natigil ang umano’y tang­ kang pag­kamkam sa ka­pangya­rihan ng kaalyado ni Pa­ngu­long Arroyo bu­nga ng pagkamatay ni dating Pre­sidente Corazon Aquino.

Sinasabing pawang natigilan at nagdalawang-isip ang mga miyembro Philippine Military Academy Class ’78 sa pagsuporta kay Arroyo sa Charter change.

Ayon sa isang military officer na miyembro ng PMA Masikap Class 77, nabatid ng mga miyembro ng PMA Class ’78 na gising na ang mga tao upang ipaglaban ang demokras­ yang nakamit ng bayan dahil sa sakripisyo ni Mrs. Aquino.

Maging ang planong “August moon” kung saan tatangkaing ilagay sa ma­gagandang puwesto ang mga miyembro ng Class ’78 ay pansamantalang natigil dahil sa pagka­alarma ng mga tao.

Matatandaang nagka­ka­roon ng iringan ang mga miyembro ng dala­ wang klase ng PMA noong naka­raang buwan dahil sa pag-aagawan sa puwesto sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Ang August moon ay ukol umano sa tangkang pagpapalawig sa puwesto kay Pangulong Arroyo.

Sinasabing posibleng maalis kaagad sa puwesto si AFP chief of staff Victor Ibrado bago sumapit ang Marso sa susunod na taon, ang kanyang pagreretiro sa serbisyo, upang palitan ni Army chief Lt. Gen. Delfin Bangit, miyembro ng PMA class ’78 at dating nagsil­ bing hepe ng Presidential Security Group.

Sa kabilang banda, si PNP chief Dir. Gen. Jesus Verzosa ay magreretiro sa Disyembre 2010 ay sinasa­bing posibleng maalis sa puwesto upang palitan ng isa rin miyembro ng PMA class ’78. (Butch Quejada)

ANG AUGUST

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BUTCH QUEJADA

CORAZON AQUINO

DELFIN BANGIT

JESUS VERZOSA

MASIKAP CLASS

MIYEMBRO

MRS. AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with