^

Bansa

3,000 pamilyang Pinoy kayang pakainin ng $20K dinner sa US

-

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Ma­kati Mayor Jejomar Binay na aabot na sa tinatayang 3,000 pamilyang Filipino na may anim na miyembro ang kayang pakainin sa loob ng isang araw ng may $20,000 o katumbas na P960,000 restaurant bill na umano’y gi­ nastos ng entourage ni Pangulong Arroyo sa isang French restaurant sa Esta­dos Unidos.

Sinabi ni Binay na kung pribadong pera talaga ang ginamit sa na­turang hapu­nan, nagpapa­kita pa rin ito ng pagiging in­sensitibo sa milyong Filipino sa bansa na nagu­gutom. Binanggit pa nito na nasa ika-56 bansa ang Pilipinas na nakakara­nas ng pagkagu­tom, ayon sa survey ng Gallup International.

Sa mga naglabasang “blog messages”, umorder umano ang Philippine entourage ng 11 bote ng Krug champagne ($510 kada bote), Osetra caviar ($1,400 kada ounce), “Chefs Tasting Menu” ($4,500 para sa 25 order) at tatlong course ng Chef’s Seasonal Menu ($1,450 para sa 25 order).

Itinanggi na rin ng Ma­lacañang ang lumabas na ulat ng New York Post kung saan simpleng hapunan lamang umano ang nang­yari at hindi umabot sa na­turang halaga. Wala rin umanong kahit isang ku­sing na pera ng samba­yanan ang ginamit dito dahil sa sinagot ni Leyte Rep. Fer­dinand Martin ang natu­rang hapunan.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, hindi din ipinasara ang nasabing high-end restaurant at sa katunayan ay marami uma­nong Filipino ang kumain na kasabay nila sa Le Cirque restaurant.

Ayon naman kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, hindi siya kasama sa nasa­bing dinner at hindi raw tama na doon pa sa Le Cirque res­taurant sa New York ganapin ang dinner gayung “pinaka-mahal” na restaurant ito.

Sa isang Vietnamese restaurant lamang siya kumain kung saan ay gumastos lamang siya ng $10. (Rudy Andal/Danilo Garcia)

AYON

CHEFS TASTING MENU

DANILO GARCIA

GALLUP INTERNATIONAL

LE CIRQUE

LEYTE REP

MAYOR JEJOMAR BINAY

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NEW YORK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with