MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Senator Edgardo Angara ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng karagdagang benepisyo ang mga guro.
Ayon kay Angara, ikinokonsiderang mga “unsung heroes” ang mga guro dahil sa patuloy na pagtataguyod sa edukasyon.
Sa Senate bill 881 ni Angara, nais nitong magkaroon ng mas maraming benepisyo ang dependents ng mga public school teachers at amiyendahan ang Republic Act 4670 o mas kilala bilang Magna Carta for Public School Teachers.
Nais ni Angara na bigyan ng scholarship grants, free medical treatment at pensiyon ang dependents ng mga guro.
Naniniwala si Angara na kung hindi man maitaas ang suweldo ng mga guro, malaking tulong kung mabibigyan sila ng ibang benipisyo katulad ng libreng medical examination.
Kailangan naman umanong ma-meet ang academic requirements para mapagkalooban ng educational benefits ang dependents ng mga guro.
Ang Commission on Higher Education (CHED) at technical educational skills development (TESDA) ang bubuo ng rules and regulations para sa pagpapatupad ng panukala. (Malou Escudero)