Import industry lilinisin sa smugglers
MANILA, Philippines - Nagkaisa ang Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) at Port Users Condeferation Inc. (PUCI) na linisin ang hanay ng import industry mula sa mga smugglers.
Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., nangako ng buong suporta ang PUCI sa pangunguna ni Dominador de Guzman sa kampanya ng PASG laban sa smugglers upang proteksyunan ang mga lehitimong importers. Nakipag-usap si Usec. Villar sa PUCI officials kaugnay ng pinaigting na operasyon ng PASG laban sa smuggling lalo sa Port of Manila at Manila International Container Port.
Aniya, ang bawat operasyon ng PASG ay alinsunod lamang sa itinakdang trabaho nila na durugin ang smuggling activities sa bansa na utos ni Pangulong Arroyo.
Nagpalabas din ng direktiba si Villar sa PASG na huwag munang hulihin o kumpiskahin ang isang container van na pinaghihinalaang may kargang smuggled o prohibited goods habang ito ay nasa daan bagkus ay hintayin na lamang makarating sa destinasyon nito o sa warehouse. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending