Reporma isusulong ni Gibo

MANILA, Philippines - Marahil ay ikinatuwa ni dating Senador Raul S. Mang­lapus, ang pagiging miyembro ni Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro sa pinagsanib na Lakas-Kampi-CMD matapos na manumpa ito noong Hulyo 24, isang araw bago ang ika-10 anibersaryo ng pagkamatay ng una.

Sa talumpati ni Teodoro, hindi lang siya sa Konsti­tusyon nanumpa kundi maging sa prinsipyo at pro­grama ng naturang partido para magkaroon ng mapa­yapa, legal at makademokrasyang political. Nais din ni Teodoro na maisulong ang reporma sa lipunan at magkaroon ng isang social movement.

Iisa aniya sila ni Manglapus ng pananaw at ito ay ang centrist humanist ideology kung saan ito din ang sagot sa napakaraming katanungan para magkaroon ng magandang solusyon sa anumang suliraning panlipunan. (Butch Quejada)

Show comments