Dahil daw sa illegal na droga: Taguig, sunod na 'Colombia'
MANILA, Philippines - Malaki umano ang posibilidad na maging tulad ng bansang Colombia ang lungsod ng Taguig dahil sa umano’y talamak na bentahan ng droga rito.
Ayon sa blog ng isang Monsi Serrano na may titulong Pinoy Politics, tila hindi umano kayang mapigilan ni Taguig Mayor Freddie Tinga ang talamak na bentahan dito ng illegal na droga at tinalo pa nito ang tinatawag na “Shabu Tiangge” sa Pasig City.
“Mayor Tinga has failed to stop the growing drug industry which according to my sources are far beyond compare with the “shabu tiangge” in Pasig. In Taguig, according to my source, illegal drugs are sold even along sidewalks provided you have the right contact,” nakasaad pa sa naturang blog.
Una ng idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang Taguig City ay isang “drug hot spot” na pinangungunahan aniya ng “Tinga Drug Syndicate” dahil pito sa mga lider nito ay Tinga ang apelyido na sina Noel, Joel, Fernando, Allan Carlos, Alberto, Bernardo at Hector Tinga.
Batay sa United Nations 2009 World Drug Report na ipinalabas ng UN office on Drugs and Crimes noong June 24, ang Pilipinas ay panglima sa buong mundo dahil sa dami ng nasasamsam mula sa mga sindikato at kadalasang ginagawa sa malalaking mga laboratoryo at pinamumunuan ng mga “transnational organized crime syndicates” na umuupa ng mga banyagang chemist.
Noong 2007, na-raid sa bansa ang 9 shabu laboratories at 13 shabu warehouses. Noong 2008, umangat na sa 10 laboratoryo ang nahuli ng mga awtoridad. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending