Imee at Bongbong pumunta sa burol ni Cory

MANILA, Philippines - Dumating kahapon sa burol ni dating Pangulong Corazon Aquino para makiramay ang dalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na sina Ilocos Norte Congressman Ferdinand “Bong­bong” Marcos Jr. at Imee Marcos.

Kasama ni Bongbong sa pagdating ang asawa niyang si Lisa.

Dakong 2:30 ng ha­pon nang dumating sa Manila Cathedral ang magkapatid na Marcos upang ipaabot ang kani­lang taus-pusong pakiki­ramay sa pamilya Aquino dahil sa pagpanaw ng dating pangulo.

“Nakikiramay kami,” paabot pa ni Bongbong sa pamilya Aquino.

Tinanggap naman ng pamilya Aquino ang pa­kikiramay ng mga Marcos at nagpasalamat pa sa mga ito dahil naramda­man anila nila ang sinse­ridad ng mga ito sa paki­kiramay.

“Nagpapasalamat ako sa pagpunta nila. Nara­ramdaman ko ang kani­lang sinseridad,” sabi ni Pinky Aquino-Abellada.

Nagtagal lamang na­man ng 20 minuto ang mga Marcos sa Manila Cathedral at kaagad na ring umalis at tumangging magbigay ng pahayag sa media.

Ang naturang pakiki­ra­may ng mga Marcos ay isang palatandaan ng tuluyang pakikipagka­sundo ng mga ito sa pamilya Aquino.

Ang dalawang pamil­ya ay kilalang political rivals dahil si Gng. Aquino ang nanguna sa pagpa­patalsik kay dating Pa­ngulong Marcos noong taong 1986. Sinisisi rin ng mga Aquino ang pa­ milya Marcos sa asasi­nasyon ni Ninoy noong taong 1983.

Una na rin namang nagpaabot ng pakiki­ramay sa pamilya Aquino si da­ting Unang Ginang Imelda Romualdez-Mar­cos.

Nilinaw naman ng bun­song anak ni Aquino na si Kris na hindi man sila naka­harap sa mag­kapatid, nagkataon la­mang na may humarap naman kina Imee at Bong­bong na sina Jundy at anak na si Ballsy Cruz, upang magpasalamat.

Ani Kris, kauuwi pa lamang ng kapatid niyang si Senator Noynoy Aquino na magdamag na nag­pasalamat sa mga du­magsa sa public viewing hanggang umaga at nag­kataon na nagpapahinga ito habang siya din ay wala pa nang dumating ang mga Marcos.

Dakong alas-4 ng hapon, pinutol ang public viewing at sinimulan ang necrological services sa pangunguna ni Father Manoling Francisco.

Binigyan lamang ng tig-3 minuto ang ilang perso­nalidad para magsalita sa necrological services.

Pagkatapos ng dala­ wang oras, muling bi­nuk­san sa public viewing ang simbahan at itinigil ito para sa misa bandang alas-8 ng gabi. (Doris Franche, Ludy Bermudo, Mer Layson)

Show comments