^

Bansa

Milyong tao daragsa

- Nina Doris Franche, Rudy Andal at Mer Layson -

MANILA, Philippines - Milyong tao ang ina­asahang dadagsa sa li­bing ni dating Pangulong Cora­zon Aquino pagkata­pos ng isang misa sa Manila Cathedral nga­yong umaga.

Ililibing si Aquino sa Manila Memorial Park sa Paranaque. Itatabi siya sa puntod ng asawa niyang si dating Senador Benig­no “Ninoy” Aquino.

Naunang nakiusap ang pamilya ni Aquino sa pub­liko na huwag nang suma­ma sa libing dahil hang­gang 200 katao lang ang kasya sa musoleo na pag­lalagakan ng labi ng dating pangulo. Maaari na lang anila na mag-abang ang mga tao sa mga kal­sadang daraanan ng sa­sakyang maghahatid kay Aquino sa semen­teryo.

Tiniyak naman kaha­pon ng Malacañang na makiki­ramay si Pangu­long Arroyo sa pa­milya Aqui­no.

Gayunman, ayon kay Secretary to the Cabinet Silvestre Bello III, wala pang pinal na desisyon kung sisilip lamang ang Pangulo sa burol ni Aquino o makikipaglibing ito.

Nasa Amerika pa ang Pangulo habang isinu­sulat ito pero inaasahang dara­ting siya ngayong mada­ling-araw.

AQUI

AQUINO

MANILA CATHEDRAL

MANILA MEMORIAL PARK

NASA AMERIKA

PANGULO

PANGULONG CORA

SENADOR BENIG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with