Enero 25, Cory Day
MANILA, Philippines - Isinusulong ngayon sa Senado ang Joint Resolution No. 28 na inihain ni Senator Mar Roxas na naglalayong gawing “Cory Aquino Day” ang Enero 25, birthday ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Sa kanyang resolusyon, sinabi ni Roxas na marapat lamang bigyan ng pagkilala taun-taon ang kadakilaan ni Aquino na nagbalik ng demokrasya sa bansa at nagtapos sa dictatorial rule ni Ferdinand Marcos.
Dapat din aniyang magpatuloy ang pagiging simbolo ni Aquino sa paglaban nito sa korapsiyon nang simulan ng kanyang gobyerno ang paghabol sa ill-gotten wealth ng mga Marcoses.
Ayon kay Roxas, ang kaniyang resolusyon ay may kahalintulad ding resolusyon sa House of Representatives na ihahain naman ni Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending