'Cory alay ng mga Pilipino sa mundo'
MANILA, Philippines - Lubos na pinuri ng ne gosyanteng si Joey de Venecia III si dating Pangulong Corazon Aquino na pumanaw nitong Sabado ng madaling-araw.
Ayon kay de Venecia, hindi lamang maituturing na pinakamamahal na Pangulo ng bansa si Aquino kundi mananatili siya sa alaala ng bawat Pilipino hanggang sa mga susunod pang henerasyon dahil na rin sa siya ang naging tulay upang bumalik ang demokrasya sa bansa.
“Siya ang alay ng Pilipinas sa buong Daigdig,” ani de Venecia. “Hindi lamang siya simpleng biyuda ni dating Senador Benigno Aquino Jr. kundi siya ang naging inspirasyon ng Edsa Revolution noong 1986 na naghatid sa Pilipinas sa kalayaan at demokrasya.”
Si Aquino ang naging ins pirasyon niya sa pagsisiwalat ng mga katiwalian sa pamahalaan tulad ng maanomalyang NBN-ZTE Corp. ng China.
Personal na kaibigan ng kanilang pamilya, lalo na ng kanyang amang si dating House Speaker Jose de Venecia ang dating Pangulo. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending