MANILA, Philippines - “Sinungaling siya, ka sapi siya ng kilusang komunista!”
Ito ang tahasang ibinulgar kahapon ng dalawang lumantad na dating kasapi ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nagpatunay na dati nilang kasamahan sa grupong komunista sa Central Luzon ang kontrobersyal na Fil-American activist na si Melissa Roxas.
Ang dalawang testigong sina Lucio Omania alyas Ka Usting at Herbert Fabro alyas Ka Jacky ay pawang dating naka-base sa Aurora na nakasaksi umano mismo sa pagsasanay ni Roxas sa kilusan ng NPA na kanila ring dating kinaaniban.
Kaugnay nito , pinangangambahan namang magkaroon ng serye ng paglikida o purging sa hanay ng NPA sa pagkakabulgar sa nasabing video tape kung saan malinaw na nakita rito na si Roxas ang nagmamartsa na may hawak na baril habang nagsasanay sa kampo ng NPA sa Aurora noong 2006.
Aminado naman ang AFP na hindi malayong magkakaroon ng ‘witch hunting’ sa loob ng kilusan para matukoy kung sino ang nasa likod ng pag kalat ng video tape na hawak nina Bantay partylist Rep. Jovito Palparan at ANAD partylist Rep. Jun Alcover.
Inihayag naman ni AFP- Civil Relations Chief Brig. Gen.Gaudencio Pangili nan, maraming kailangang ipaliwanag si Roxas hinggil sa pagkakabulgar ng kaniyang tunay na pagkatao at kung bakit ito nagsasanay sa communist movement. (Joy Cantos)