^

Bansa

2 ex-NPA lumantad vs Roxas

-

MANILA, Philippines - “Sinungaling siya, ka­ sapi siya ng kilusang ko­munista!”

Ito ang tahasang ibi­nulgar kahapon ng dala­wang lumantad na dating ka­sapi ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nagpatunay na dati nilang kasamahan sa gru­pong komunista sa Central Luzon ang kontrobersyal na Fil-American activist na si Melissa Roxas.

Ang dalawang testi­gong sina Lucio Omania alyas Ka Usting at Herbert Fabro alyas Ka Jacky ay pawang dating naka-base sa Aurora na nakasaksi umano mismo sa pagsa­sanay ni Roxas sa kilusan ng NPA na kanila ring dating kinaaniban.

Kaugnay nito , pinanga­ngambahan namang mag­karoon ng serye ng pagli­kida o purging sa hanay ng NPA sa pagkakabulgar sa nasabing video tape kung saan malinaw na nakita rito na si Roxas ang nagma­martsa na may hawak na baril habang nagsasanay sa kampo ng NPA sa Aurora noong 2006.

Aminado naman ang AFP na hindi malayong magkakaroon ng ‘witch hunting’ sa loob ng kilusan para matukoy kung sino ang nasa likod ng pag­ kalat ng video tape na hawak nina Bantay party­list Rep. Jovito Palparan at ANAD partylist Rep. Jun Alcover.

Inihayag naman ni AFP- Civil Relations Chief Brig. Gen.Gaudencio Pangili­ nan, maraming kailangang ipaliwanag si Roxas hinggil sa pagkakabulgar ng kani­yang tunay na pagkatao at kung bakit ito nagsasanay sa communist movement. (Joy Cantos)

CENTRAL LUZON

CIVIL RELATIONS CHIEF BRIG

GAUDENCIO PANGILI

HERBERT FABRO

JOVITO PALPARAN

JOY CANTOS

JUN ALCOVER

KA JACKY

KA USTING

ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with