^

Bansa

Prepaid kuryente ikinakasa na

-

MANILA, Philippines - Sa taong 2010 pa posibleng maipatupad ng Manila Electric Company ang pagkakaroon ng “Prepaid Kuryente” sa bansa na malaking tulong sa mga pamilyang nagtitipid sa konsumo sa kuryente.

Sinabi ni Joe Saldar­ raga, manager ng Meralco External Affairs for Communications, kalalabas pa lamang ng “guidelines” buhat sa Energy Regulatory Commission (ERC) at kanila pa itong pag-aaralan upang makabuo ng proposal kung paano ipatutu­pad ang “prepaid kuryente”.

Maaaring sa susunod na taon pa umano tuluyang maplantsa ang mga “mechanics” nito tulad ng as­peto ng paggamit ng prepaid card, pagpapalit ng metro, aspeto sa marketing, gagamiting teknolo­hiya, at iba pang mga gas­tusin.

Sa kabila nito, tumatak­bo na ngayon ang “pilot tes­ting” ng prepaid kuryente sa ilang bahagi ng Malabon City at patuloy pang ina­analisa ng Meralco ang pagiging epektibo nito.

Sinabi naman ni Dina Lomotan, tagapagsalita ng Meralco na sagot ang “prepaid kuryente” sa mga nagtitipid na pamilya dahil maaari nilang makontrol ang konsumo nito.  Nanga­ngahulugan rin ito na ma­babawasan na ang trabaho sa billings, pila sa mga bayad centers at pagba­basa ng metro ng mga tauhan ng Meralco.

Wala rin umanong reconnection fee kung biglang mauubos ang load dahil tulad ng cellphone load ay kailangan lamang mag-reload upang muling bumalik ang kuryente. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DINA LOMOTAN

ENERGY REGULATORY COMMISSION

JOE SALDAR

MALABON CITY

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

MERALCO EXTERNAL AFFAIRS

PREPAID KURYENTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with