^

Bansa

Arraignment ni Dumlao 'di natuloy

-

MANILA, Philippines - Hindi natuloy kahapon ang nakatakdang arraignment ni dating police Superintendent Glen Dumlao sa Manila Regional Trial Court branch 18, kaugnay ng kasong double murder sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Manuel Corbito noong 2000.

Ito’y matapos na igiit ng abogado ni Dumlao na si Atty. Aurelio Agood na pag-aaralan muna nila ang records ng mga kaso.

Dahil dito itinakda ni Judge Myra Garcia-Fer­nandez sa darating na Agosto 26, alas-2 ng hapon, ang arraignment.

Kaugnay nito, posib­leng hindi maging “state witness” si Dumlao, dahil hindi kuwalipikado bunsod ng kanyang pagiging isang dating pulis nang mangyari ang krimen kung kaya’t magiging isang ordinar­yong witness na lamang ito laban sa kanyang mga kapwa akusado.

Samantala sinabi na­man ni Atty.Dante David, abogado ng iba pang mga akusado, na hindi naman problema sa kanilang panig kung sakaling ma­ging ordinary witness si Dumlao, dahil meron na­mang cross examination sa korte.

Mananatili naman sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Dumlao, dahil hindi pa naman nagpapalabas ng ruling ang korte kung kuwalipikado ito sa Witness Protection Program. (Doris Franche)

vuukle comment

AGOSTO

AURELIO AGOOD

DANTE DAVID

DORIS FRANCHE

DUMLAO

JUDGE MYRA GARCIA-FER

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MANUEL CORBITO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SUPERINTENDENT GLEN DUMLAO

WITNESS PROTECTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with