MANILA, Philippines - Hinamon ni Bantay Partylist Rep. Jovito Palparan at Anad Partylist Rep. Pastor Jun Alcobar si Fil-Am activist Melissa Roxas na sumailalim sa lie detector test upang patunayan nito na hindi siya kasapi ng rebel deng New Peoples Army.
Sa isang press conference, sinabi ni Palparan at Alcobar na handa rin nilang sabayan si Roxas sa lie test para mapatunayan kung sino ang nagsisinungaling sa kanila.
Maging si Bayan Muna Partylist Rep. Satur Ocampo ay hinamon din na sumailalim sa polygraph examination.
Sinabi ni Palparan na ang nakuha nilang video footage ang nagpapatunay umano na kasapi ng NPA si Roxas nang makunan ito sa training ng NPA sa Aurora province.
Handa anyang lumutang ang kanilang testigo para patotohanan ang partisipasyon ni Roxas sa NPA. (Angie dela Cruz)