^

Bansa

AH1N1, di sa RP nakuha ng namatay na Pinay

-

MANILA, Philippines - Itinanggi ng Department of Health na sa Pili­pinas nagmula ang AH1N1 virus na ikinamatay ng Pinay domestic helper sa Hongkong noong Lunes.

Ayon kay DoH-National Epidemiology Center director, Dr. Eric Tayag, wa­lang sakit si Dolores Pe­ralta Bauzon ng ito ay uma­lis ng bansa patungong Hongkong para magtra­baho dito at ipinasuri na rin nito ang mga kaanak at lahat ng mga taong naka­salamuha nito kung saan pawang negatibo ang mga ito sa naturang virus.

Kasabay nito, pina­yuhan din ni Tayag ang mga Pinoy na nais luma­bas ng bansa na kanse­lahin muna ang kanilang flight lalo na kung mayroon silang flu-like symptoms para maiwasan itong lu­mala o makapaghatid ng sakit sa ibang bansa.

Batay sa ulat ni Philippine Consul General Claro Cristobal, si Bauzon, 37, tubong Tarlac, ay nagka­roon lamang ng flu-like symptoms, isang araw matapos itong dumating sa Hong Kong noong Hunyo 28 upang magtrabaho sa isang mag-asawa na na­ninirahan sa Kwun Tong. Ngunit ito ay na-confine noong Hulyo 7 dahil uma­no sa malubhang pneumonia ngunit namatay noong Lunes at nadiskubreng may taglay na mabagsik na AH1N1 virus. (Doris Franche)

AYON

BAUZON

DEPARTMENT OF HEALTH

DOLORES PE

DORIS FRANCHE

DR. ERIC TAYAG

HONG KONG

KWUN TONG

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

PHILIPPINE CONSUL GENERAL CLARO CRISTOBAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with