Batang telebabad sa TV nag-iiba raw ang ugali

MANILA, Philippines - Nagdudulot umano ng pagiging lampa, stress, walang gana sa pagkain at pagpangit ng ugali ng mga bata ang sobrang panonood ng telebisyon.

Sa ginawang pag-aaral ng National Council for Children’s Television, ma­laking banta sa karakter ng mga bata ang sobrang panonood ng tv dahil nalalantad sila sa mga di maga­gan­dang salita, karahasan at sex.

Bunsod nito’y nagkasundo ang NCCT, Department of Education, Movie and Television Review Classification Board at Smart Communication na mas hihigpitan pa ang pagba­bantay at pag­ susuri sa mga progra­mang ipinalalabas sa telebisyon, lalo na sa pagitan ng oras na 6-10 ng umaga na mayorya ng nanonood ay mga bata.

Target din ng nasabing memorandum of agreement na mabawasan ng 20% ang mga palabas na may mala­laswang salita, diskriminasyon, sex at karahasan, bagkus gagamitin ng DepEd ang tv para mas matuto ang mga estudyante.

Hinihikayat din nito ang publiko na magsumbong sa NCCT kung may mapapanood na di angkop sa mga bata at kabataan sa pama­magitan ng pag­text sa ANTAYTV (space) NAME/AGE/ADDRESS/MESSAGE at ipadala sa 700-6228 o BANTAYTV (space) TV PROGRAM (space) DATE OF AIRING at ipadala sa 700-6228 o sa NCCT hotline number 637-2306 mula Lunes at Biyernes o mag-email sa bantaytv @ncctph.org. (Danilo Garcia)

Show comments