NPC balisa sa paglipat ni Gibo sa Lakas

MANILA, Philippines - Nabalisa at bumigat ang kalooban ng mga miyembro ng Nationalist People’s Coalition nang lumipat sa Lakas-Kampi-CMD si Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teo­doro na isa sa mga as­pirante sa halalang pam­panguluhan sa 2010.

Ito ang inihayag ka­ha­pon ng isang kasapi ng NPC na si Pangasinan Con­g. Mark Co­juangco na nagsabi pa sa isang media forum sa May­nila na dinam­dam nila ang paglipat ni Teo­doro sa ibang partido dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kanila.

“Kanya-kanyang dis­karte lang iyan at iyon ang diskarte niya, pero sana ay nagpaalam siya. Nasor­presa talaga kami,” sabi ni Rep. Co­juangco.

Sinabi pa ni Co­juang­co na bago itinalaga sa Ga­binete ni Pangulong Arroyo si Teodoro ay ito na ang tin­uring na “boss man” ng mga mi­yembro ng NPC sa Ka­mara noong isa pang kongre­sista ng Tarlac ang ka­lihim.

Kasabay nito, ilang miyembro ng NPC ang nagmungkahing inomina si Teodoro bilang kan­dida­tong presidente ng partido bukod kina Senators Fran­cis Escudero at Loren Legarda.

Sinasabi nila na hindi pa rin pinuputol ni Teo­doro ang ugnayan nito sa NPC bu­kod sa mas han­da ang kalihim sa pagka-pangulo kumpara kina Legarda at Escudero. (Butch Quejada)

Show comments