Dumlao, Mancao sa korte na magkikita

MANILA, Philippines - Hindi pa naghaharap sina dating Police Supt. Glenn Dumlao at dating Po­lice Supt. Cesar Man­cao, at posibleng sa korte na lamang sila mag­kita.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Nestor Mantaring, nang dumating noong Lingo ng umaga si Dumlao ay nasa safehouse na ng Department of Justice-Witness Protection Program si Mancao, na nailipat umano noong Sabado.

Aniya, maaring mag­ka­ sabay na dumalo sa pag­dinig ng Manila Regional Trial Court sina Dum­lao at Mancao sa Dacer-Corbito double murder case.

Si Mancao ay isa nang state witness habang si Dumlao ay nakatakda na­mang basahan ng arraignment sa nasabing kaso at posible ring maging testigo ng pamahalaan, na kasa­lukuyang nasa ebalwas­yon pa kung maaring ma­kapasok sa WPP.

Maayos umano ang kon­disyon ni Dumlao sa NBI at ang pagtanggap nito ng bisita ay depende sa sarili nitong listahan sa nais niyang papasukin. (Ludy Bermudo)

Show comments