MANILA, Philippines - Pinaboran ni Presidential Anti-Smuggling Group Chief Undersecretary Antonio Villar Jr. ang kahilingan ng Chamber of Customs Brokers Inc. na pansamantalang suspindihin ang kanilang operasyon sa panghuhuli at pagkumpiska ng mga cargo shipment na nakalabas ng Bureau of Customs na pinaghihinalaan nilang sangkot sa smuggling.
Sinabi ni Villar sa kanyang programang PASG Kontra Smuggling sa DZRH kamakalawa na pinag bigyan niya ang kahilingan ng CCBI sa pamumuno ng pangulo nitong si Zenaida Dayanghirang.
Magkakaroon ng dayalogo ang CCBI kay Villar upang pag-usapan ang anti-smuggling activities ng PASG na sinusuportahan din ng CCBI. (Rudy Andal)