Kanser ni Cory kumalat

MANILA, Philippines - Mismong si Senator Benigno “Noynoy” Aquino III ang nagkumpirma ka­hapon na kumalat na sa atay at ibang lamang-loob ang kanser ng kanyang inang si dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino.

Bagaman at kumalat na umano sa atay ang cancer cells ng dating pangulo, hindi naman sigurado kung isasailalim pa ito sa chemotherapy dahil hindi na­man tiyak kung maka­kabuti o mas makakasama ito sa kan­yang mahinang sitwas­yon.

Nakatakdang magpa­labas bukas ng de­talya­dong paglalarawan ang pamilya tungkol sa pinag­dadaanan ng dating pa­ngulo

Ayon kay Noynoy, labis siyang humahanga sa ipinakikitang katata­gan ng kanyang ina dahil kahit noong nakakapag­salita pa ito ay hindi ito nagreklamo kahit alam nila na may nararamda­mang sakit at maraming tubo na naka­kabit sa kanya.

Umaasa si Noynoy na magkakaroon ng kapa­natagan ang kanyang ina sa kabila ng kanyang ka­ram­daman. (Malou Escudero)


Show comments