MANILA, Philippines - Nagpahayag ka hapon ng paniniwala ang isang opisyal ng Lakas-KAMPI-CMD na si Defense Secretary Gilbert Teodoro na isang bar topnotcher, Harvard Law Graduate at three-term congressman, ay mas magiging malakas na kandidato para sa pagka-pangulo kumpara sa dati niyang kapartido na si Senador Francis “Chiz’ Escudero na isa sa mga presidential aspirant.
Ayon kay Lakas-KAMPI-CMD Executive Director and Undersecretary Rey Roquero sa isang interbyu sa radio, sadyang mas kwalipikado si Teodoro nang tanungin kung paano ito ihahambing sa kwalipi kasyon ni Escudero.
“Marami po siyang attributes na masasabi nating superlative. Sobra sobra. Bar top notcher. Nag-aral pa sa Harvard. Sa local government naging kabataang barangay. May experience din siya sa legislative bilang congressman ng Tarlac. May experience din sa executive bilang defense secretary. Alam mo naman dalawang defense secretary, naging presidente, baka di naman masama maging tatlo, ” ayon kay Roquero.
Kinumpirma din ni Roquero ang bali-balitang may mga miyembro ng ibat ibang partido, kabilang na ang NPC, na handang lumipat sa LAKAS-KAMPI-CMD. Mga congressman daw ang manggagaling sa NPC.
Samantala, ayon sa mga insider ng NPC na ayaw magpabanggit ng pangalan, nang mag-leave si Teodoro sa NPC at nahirang na defense secretary, agad umanong pumustura si Escudero.
Kung titingnan daw ang naabot, isang ordinaryong abogado lang si Escudero at hindi nakapagsanay ng maayos. Hindi rin ito humawak ng anumang ahensiya na siya sanang magiging “showcase” nito upang sabihin na handang-handa na siya sa pagka pangulo.
Wala din daw naipasang malaking batas kahit na si Escudero ay tatlong termino ring nanungkulan sa Kon greso bilang kinatawan ng unang distrito ng Sorsogon at naging minority leader pa ito. (Butch Quejada)