^

Bansa

Gibo mas may 'K' kay Chiz

-

MANILA, Philippines - Nagpahayag ka­ hapon ng panini­wala ang isang opis­yal ng Lakas-KAMPI-CMD na si Defense Secretary Gilbert Teodoro na isang bar top­notcher, Harvard Law Graduate at three-term congressman, ay mas magiging malakas na kandidato para sa pagka-pangulo kumpara sa dati niyang kapartido na si Se­nador Francis “Chiz’ Escu­dero na isa sa mga presidential aspirant.

Ayon kay Lakas-KAMPI-CMD Executive Director and Undersecretary Rey Roquero sa isang interbyu sa radio, sadyang mas kwalipikado si Teodoro nang tanungin kung paano ito ihahambing sa kwalipi­ kasyon ni Escudero.

“Marami po siyang attributes na masasabi nating superlative. Sobra sobra. Bar top notcher. Nag-aral pa sa Harvard. Sa local government naging kaba­taang barangay. May experience din siya sa legislative bilang congressman ng Tarlac. May experience din sa executive bilang defense secretary. Alam mo naman dalawang defense secretary, naging presidente, baka di naman masama maging tatlo, ” ayon kay Ro­quero.

Kinumpirma din ni Ro­quero ang bali-balitang may mga miyembro ng ibat ibang partido, kabilang na ang NPC, na handang lumipat sa LAKAS-KAMPI-CMD. Mga congressman daw ang manggagaling sa NPC. 

Samantala, ayon sa mga insider ng NPC na ayaw magpa­bang­git ng pangalan, nang mag-leave si Teodoro sa NPC at nahirang na defense secretary, agad umanong pu­mustura si Escu­dero.

Kung titingnan daw ang naabot, isang ordinaryong abogado lang si Escudero at hindi nakapagsanay ng maayos. Hindi rin ito huma­wak ng anumang ahensiya na siya sanang magiging “showcase” nito upang sabihin na handang-handa na siya sa pagka pangulo.

Wala din daw naipasang malaking ba­tas kahit na si Escudero ay tatlong termino ring nanungkulan sa Kon­ greso bilang kina­tawan ng unang distrito ng Sorsogon at na­ging minority leader pa ito. (Butch Quejada)

vuukle comment

ALAM

AYON

BUTCH QUEJADA

CHIZ

DEFENSE SECRETARY GILBERT TEODORO

ESCU

EXECUTIVE DIRECTOR AND UNDERSECRETARY REY ROQUERO

HARVARD LAW GRADUATE

LAKAS

SHY

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with