MANILA, Philippines - Inamin kahapon ni Senator Loren Legarda na ‘zero’ ang kanyang lovelife at hindi umano niya kailangan ng first gentleman para patunayan na maaari siyang maging presidente ng bansa.
Ayon kay Legarda, hindi naman sinasabi ng batas na kailangang may asawa o first gentleman ang isang babaeng tatakbong presidente.
Sa ngayon aniya ay wala siyang lovelife kahit pa iniintriga siya ng media na may mga nanliligaw sa kanya.
“Kahit na anong ipilit ng media, wala talaga akong lovelife,” sabi ni Legarda sa panayam ng “Escalera” sa DZXL.
Pero wala naman aniyang dahilan para isara niya ang kanyang puso bagaman at sa ngayon ay wala talaga siyang panahon sa pag-ibig dahil mas pinagtutuunan niya ng pansin ang problema hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo dahil isa siyang United Nation Ambassador for climate change.
Idinagdag rin nito na ka hit wala siyang lovelife, masaya pa rin siya dahil na kakasama niya ang kanyang mga anak. (Malou Escudero)