^

Bansa

Loren 'di kailangan ng first gentleman

-

MANILA, Philippines - Inamin kahapon ni Senator Loren Legarda na ‘zero’ ang kanyang lovelife at hindi umano niya kailangan ng first gentleman para patuna­yan na maaari siyang ma­ging presidente ng bansa.

Ayon kay Legarda, hindi naman sinasabi ng batas na kailangang may asawa o first gentleman ang isang babaeng tatak­bong presidente.

Sa ngayon aniya ay wala siyang lovelife kahit pa iniintriga siya ng media na may mga nanlili­gaw sa kanya.

“Kahit na anong ipilit ng media, wala talaga akong lovelife,” sabi ni Legarda sa panayam ng “Escalera” sa DZXL.

Pero wala naman ani­yang dahilan para isara niya ang kanyang puso ba­ga­man at sa nga­yon ay wala ta­laga siyang pana­hon sa pag-ibig dahil mas pinagtu­tuunan niya ng pan­sin ang problema hindi lamang sa Pi­lipinas kundi maging sa buong mundo dahil isa siyang United Nation Ambassador for climate change.

Idinagdag rin nito na ka­ hit wala siyang lovelife, ma­saya pa rin siya dahil na­ ka­ka­­sama niya ang kan­yang mga anak. (Malou Escudero)


AYON

ESCALERA

IDINAGDAG

INAMIN

KAHIT

LEGARDA

MALOU ESCUDERO

PERO

SENATOR LOREN LEGARDA

SHY

UNITED NATION AMBASSADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with