Petisyon vs NTC memo inatras
MANILA, Philippines - Iniurong na ng Gateway Mobile Phils. Inc., at Value Added Services Group ang petisyon ng mga ito sa Pasig at Quezon City Regional Trial Court hinggil sa planong pagpapahinto ng implementasyon ng kautusan ng National Telecommunication Commission.
Sinabi nina John Alonte, chief executive ng Gateway Mobile Phils. at VAS Group, mabibigyan ng pagkakataon ang NTC at VAS na ayusin ang probisyon na maaaring makasama sa industriya at sinusuportahan nila ang hakbang ng Senado na protektahan ang 67 milyong mga subscribers sa bansa.
Una na rin namagitan si Senador Juan Ponce Enrile sa pagitan ng naturang mga service providers at NTC para hindi maipatupad ang Memorandum Circular No. 04-07-2009.
“Senator Enrile’s timely intervention has provided all of us, including NTC, the opportunity to thresh out important and critical provisions of the issued Memorandum Circular,” pahayag ni Alonte.
Mananatili naming suportado ng grupo ni Alonte ang pamahalaan sa mga hakbang nito para sa publiko.
- Latest
- Trending