Obando mayor pinagpapaliwanag sa missing na P40-milyong pondo
MANILA, Philippines - Dapat na magpaliwanag sa Commission on Audit si Obando, Bulacan Mayor Orencio E. Gabriel at mga tauhan nito dahil sa nawawalang P40 milyon pondo ng lokal na pamahalaan noong 2008 matapos na walang maipakitang record ng inventory report mula sa Municipal treasurer.
Batay sa Annual Audit Report para sa taong 2008 ni State Auditor V Carmelita Alvarez na ipinadala kay Gabriel, inatasan nito ang Municipal Assessors Office at Treasurer’s Office ng Obando para maipakita kung saan napunta ang proyekto sa Property, Plant and Equipment na nagkakahalaga ng P33,533,554.45. Kasama din ang koleksiyon sa Real Property tax na nagkakahalaga ng P4,074,961.78 noong 2008.
Nadiskubre din ng auditing team ng COA na hindi kumpleto ang inventory ng local na pamahalaan sa naturang proyekto. Nadiskubre din na hindi magkatugma ang financial statement ng Obando sa kasalukuyang pondo nito.
Bunsod dito’y, maituturing na “unreliable” ang naturang isinumiteng report ng Obando noong 2008 kaya naman dapat umanong magpaliwanag si Gabriel.
- Latest
- Trending