US nagdarasal din para kay Cory

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagla­wak ng mga nag-aalay ng dasal para sa aga­rang paggaling ni dating Pangulong Corazon Aquino matapos na iha­yag kahapon ni US Ambassador Kristie Ken­ney na maging ang Es­­ tados Unidos ay nag-aalay ng dasal para rito.

Sa kanyang pagdalo sa isang linggong alay na misa ni Manila Mayor Alfredo Lim sa Manila City Hall, sinabi ni Kenney na umaasa ang Amerika na gumaling ang dating pa­ngulo na inspirasyon ng mga Filipino.

“People of America also pray for her, they live in Boston during their hard times, so they were part of America too,” ayon kay Kenney.

Sinabi ni Kenney na maraming naging kontri­busyon si Mrs. Aquino sa mamamayang Filipino na hinangaan ng Ame­rika, partikular na dito ang “kalayaan” ng mga Pi­noy.

Nagbigay din ng ma­ikling panalangin si Kenney para kay Mrs. Aquino at sa pamilya nito. (Doris Franche)

Show comments