Multinational drug firms kasuhan - Roxas

MANILA, Philippines - Umapela kahapon si Sen. Mar Roxas sa pama­ha­laan ng Amerika na ka­suhan ang mga multinatio­nal drug companies, parti­kular na ang Pfizer, Inc. da­hil sa umano’y tangkang pa­nunuhol sa gobyerno ng Pilipinas upang hadlangan ang Cheaper Medicine Law.

Ipinaabot ni Roxas ang apela sa US Department of Justice sa pamamagitan ng sulat na ipinadala kay US Ambassador Kristie Ken­ ney. Tinuligsa ni Roxas ang Pfizer sa ginawa nitong pag-puwersa sa Malaca­ñang na makipag-pulong sa industriya ng gamot para pag-usapan kung paanong mapipigil ang Cheaper Me­dicines Law.

Ani Roxas, dapat ma­na­got ang mga nagsab­watang multinational drug firms kasama ang Pfizer sa paglabag sa US Foreign Corrupt Practices Act dahil gumamit ito ng limang milyong Sulit Card bilang suhol umano kay Pangu­long Arroyo para huwag lagdaan ang isang executive order na nag-uutos sa mga kumpanya ng gamot na bawasan ng kalahati ang presyo ng mga gamot na ibinebenta nila.

Si Roxas ay chairman ng Senate Committee on Trade and Commerce. Aniya, kinakalap na ng Senado ang mga ebiden­sya laban sa Pfizer at mga kasabwat na multinational drug companies na maa­aring gamitin ng mga aw­toridad ng Pilipinas para kasuhan ang Pfizer sa US ng paglabag sa anti-bribery provisions ng Foreign Corrupt Practices Act.

Binigyang diin ni Ro­ xas na kung hindi kikilos laban sa Pfizer sa US, siya mismo ang mag-aasikaso sa asunto para panagutin ang kompanya. Si Roxas ang main author ng Universally Accessible, Chea­per and Quality Medicines Act.

Aniya “walang karapa­tang magpatuloy na mag­negosyo dito sa atin ang sinumang kumpanya na gumagamit ng panunuhol at iba pang manipulas­yon.”

Show comments